Peyups @ Smart
Another long overdue post. :p
-------------------------------------------------
Dahil ngayong taon ay ika-100 taon ng aming mahal na unibersidad, ang Unibersidad ng Pilipinas, nagkaroon ng pagkakataon ang mga empleyado ng Smart na nagtapos sa UP na magkatipon-tipon para bumuo ng mga programa para sa selebrasyon ng sentenaryo ng UP. Ang nasabing GA o General Assembly ay nangyari noong nakaraang Miyerkules, July 16. Ang akala ko noong una ay isang simpleng meeting lamang ang magaganap. Laking gulat ko pati ng aking mga kasama dahil isang magarbong selebrasyon pala ang aming matutunghayan. Para talagang org GA yung nangyari. Binigyan kami ng sig sheet (blue book), merong mga palaro upang magkakila-kilala ang bawat isa at meron ding munting salo-salo na kwek-kwek, pritong lumpia, fish balls, bananaque, at camoteque. UP-ing UP talaga! Nakakatuwa dahil damang-dama nang bawat isa ang kaligayahan sa pakiki-isa sa selebrasyon ng sentenaryo ng UP. Andun din ang pagnanais ng bawat isa na makatulong sa mga programang nakalatag upang tumanaw ng malaking utang na loob sa institusyong humubog sa aming karunungan at kamalayan.
Mabuhay ang ika-isandaang taon ng UP! :-)
-Mga Isko at Iska ng CPG-
-Peyups@SMART Bus para sa UP Maroons Athletes-
-Blue Book Sig Sheet-
-UP Centennial Commemorative 100 Peso Bills-
0 comments:
Post a Comment