Swerte
Minsan napapaisip ako kung meron bang taong sadyang pinagpala o swerte…yung tipong nagkakataon na parating tama ang tiyempo ng tadhana sa kanyang buhay. Maaaring ito ay swerte sa pag-ibig, sa karera, sa pamilya, atbp. Yung tipong dumarating na lang ang magandang pagkakataon sa kanyang buhay nang walang kaabog-abog. Hindi nila ito pinlano, ni hindi nila pinagsumikapang gawin o hanapin pero ito ay kusang dumarating. Swerte nga sigurong maituturing ang mga ganitong klaseng mga tao…parati siyang nasa tamang lugar, kasama ang mga tamang tao sa tamang panahon.
Alam ko, walang perpektong buhay pero bakit may mga taong higit na pinagpala kaysa iba? Mas mataimtim ba siya kung manalangin, pinanganak ba siyang walang balat sa pwet, meron ba siyang swerteng nunal o taling, pinamanahan ba siya ng anting-anting ng kanyang lolo, seiko ba ang kanyang wallet, nagpa-fengshui ba siya?
Maaaring isipin ninyo na may pinaghuhugutan ang mga katanungan kong ito. Hindi kayo nagkamali, meron nga. hehe Ang mga ito ay bunga marahil ng aking obserbasyon sa mga nangyayari sa aking personal na buhay, mga pangyayari sa opisina at sa aking paligid. Ayoko nang maging detalyado sa kung ano man ang mga ito basta yun lang. Labo ko ba?

0 comments:
Post a Comment