SITE UNDER CONSTRUCTION

SITE UNDER CONSTRUCTION

Photo-gulat!

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang nung makita ko siya na nag-iimbita na siya ay aking tingnan at pansinin. Animo’y nagsasabi na siya ang piliin laban sa ibang kagaya niyang kapwa nanunuyo. Lahat sila ay makisig at matipuno, bawat isa ay may handog na galing. Sa puntong iyon, labis ang aking pagkalito sa kung ano ang dapat kong maging desisyon. Kinonsulta ko ang opinyon ng mga kaibigan, ngunit sa bandang huli ay sinunod ko din ang aking kutob. Napagtanto ko na siya ang piliin dahil mukhang madali ko siyang makakasundo. Isang malaking kosiderasyon iyon para sa akin na baguhan pa lamang sa larangang aking papasukin.

At hindi nga ako nagkamali sa aking naging desisyon, naging napakasaya nang aming pagsasama, napakarami naming nabuong mga ala-ala. Tukso man nang mas bata at mas matipuno ay dumating, hinding-hindi ko siya pagpapalit dahil labis na siyang napamahal sa akin.

At dahil diyan, nais kong ibahagi ang ilang tanda nang masaya naming pagsasama nang aking camera! Haha Akala niyo kung sino ano?! Happy Birthday to my dear Yoji (Fuji Finepix S9600)! :)




Will post my favorite shots soon. :)


0 comments:

Post a Comment